Matandang salita para sa 'ginto' ang 'bulawan.' Ano ang matututuhan mo sa pagpapahalaga ni National Artist Rio Alma sa panahon?Matandang salita para sa 'ginto' ang 'bulawan.' Ano ang matututuhan mo sa pagpapahalaga ni National Artist Rio Alma sa panahon?

[OPINYON] Rio Alma time is bulawan

2026/03/09 08:00
3 min read
For feedback or concerns regarding this content, please contact us at [email protected]

Di kayo dapat late. 

Alam ito ng sinumang nakatrabaho na si Virgilio S. Almario aka Rio Alma, National Artist for Literature. Sa klase, meeting, o saanmang event, hindi mo maiiwasang mahiya kapag na-late ka dahil tiyak na maaga siyang dumating.

Matandang salita para sa “ginto” sa Hiligaynon, Sebwano, Bikolano, at Tagalog ang “bulawan.” Patunay na may sariling kaalaman na ang ating mga ninuno sa paglinang ng ginto noon pa. Isa rin ito sa mga turo sa amin ni Sir Rio — ang lumingon sa ating nagdaan para mapakinabangan sa kasalukuyan ang dunong ng ating mga ninuno. Kahit sa salita ka muna magsimula. 

Balik sa pagiging late. Nakita ko na kung paano niya punahin ang mga táong nahuhulí sa mga meeting. Kung paano nagbabago rin ang mga tao para matiyak na makarating sila sa tamang oras kapag makikipagkita sa kaniya. Para hindi na sila kabitan ng “the late” sa kanilang pangalan na pang-asar ng mga kasama. 

Dati rin kasi, “the late RR Cagalingan” ako madalas. Sa isang pulong, halos 30 minuto akong late, kayâ parang wala akong mukhang maiharap sa kaniya at sa mga ibang ka-meeting noon. Natauhan ako. Kayâ masasabi kong isa sa mga dahilan ang pulong na iyon kung bakit ako nagsimulang magmotor. Para hindi na ma-late. 

At ano naman ang matututuhan mo pa sa pagpapahalaga niya sa panahon? Napakaraming bulawang bagay. 

Pagbibigay ito ng paggalang sa panahon ng iba. Hindi dahilan ang trapik o anumang pinagdaanan mo dahil isinasaalang-alang mo kasi dapat ang ginawang konsiderasyon rin sa oras ng iyong katatagpuin.  

Sa sarili naman, ‘pag iginagalang mo ang sariling panahon, nagbubukas ito sa iyo ng espasyo para sa pagninilay at pagpapakahusay. Napakaraming bagay na dapat alamin tungkol sa ating nagdaan: ang panitikan, kultura, kasaysayan, at iba pa. Ang mga puwang o gap na ito ang dapat na pinaglalaanan ng panahon para pag-aralan. Maaari rin itong punan gamit ang ating haraya o imagination. 

Sabi niya naman sa pagtula, kung nais mo talagang makasulat, dapat maglaan ka ng isang oras kada araw. Mahirap, pero bahagi rin ito ng pakikipagkasundo sa panahon. Biruin mo kung gaano katagal na niya ito ginagawa. Ang disiplinang umupo at maglaan ng oras para sa isusulat ang mananaig sa anumang writer’s block. Hindi mo kailangan ng inspirasyon o musa para sumulat. Kailangan mo lang umupo.  

Pero ngayon nakikita ko na ang marangal niyang paglaban sa panahon. Tumatanda na rin ang aming guro. At, sabi nga nila, walang makatatalo sa panahon. Pero ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa patuloy na pagkatuto mula sa kaniya. Sa biyaya ng kaniyang harayang mababakas sa pinakabagong tula o sipat sa mga pangyayari sa Filipinas (na nasa Facebook page niya o sa pinakabagong libro). At di pa kasama riyan ang marami na niyang isinulat at ang daigdig ng teksto na dapat pa nating basahin at paglimian.

Kukulangin tayong lahat sa panahon, pero ganoon naman talaga ang búhay. Sa huli, nagpapasalamat ako sa kaniyang halimbawa. Sa hindi pagdadamot ng panahon sa mga makatang nais matuto, sa mga iskolar na nais pang ayusin ang kanilang Tinging Filipino, sa mga guro na nais pang magpakahusay sa paghubog ng mga anak ng bayan, o sa sinumang may pakialam sa ating minamahal na Filipinas.

Maligayang kaarawan po, Sir Rio. Di po sana ako mahulí sa susunod na pagkikita. Kung mahuli man, sasambitin na lang: bulawan, bulawan, bulawan. – Rappler.com

Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Isa siyang manggagawang pangkultura.

Market Opportunity
Realio Logo
Realio Price(RIO)
$0.04479
$0.04479$0.04479
+13.36%
USD
Realio (RIO) Live Price Chart
Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact [email protected] for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.

You May Also Like

Let insiders trade – Blockworks

Let insiders trade – Blockworks

The post Let insiders trade – Blockworks appeared on BitcoinEthereumNews.com. This is a segment from The Breakdown newsletter. To read more editions, subscribe ​​“The most valuable commodity I know of is information.” — Gordon Gekko, Wall Street Ten months ago, FBI agents raided Shayne Coplan’s Manhattan apartment, ostensibly in search of evidence that the prediction market he founded, Polymarket, had illegally allowed US residents to place bets on the US election. Two weeks ago, the CFTC gave Polymarket the green light to allow those very same US residents to place bets on whatever they like. This is quite the turn of events — and it’s not just about elections or politics. With its US government seal of approval in hand, Polymarket is reportedly raising capital at a valuation of $9 billion — a reflection of the growing belief that prediction markets will be used for much more than betting on elections once every four years. Instead, proponents say prediction markets can provide a real service to the world by providing it with better information about nearly everything. I think they might, too — but only if insiders are free to participate. Yesterday, for example, Polymarket announced new betting markets on company earnings reports, with a promise that it would improve the information that investors have to work with.  Instead of waiting three months to find out how a company is faring, investors could simply watch the odds on Polymarket.  If the probability of an earnings beat is rising, for example, investors would know at a glance that things are going well. But that will only happen if enough of the people betting actually know how things are going. Relying on the wisdom of crowds to magically discern how a business is doing won’t add much incremental knowledge to the world; everyone’s guesses are unlikely to average out to the truth. If…
Share
BitcoinEthereumNews2025/09/18 05:16
Middle East War Cancels F1 Races and Disrupts Crypto Events in Dubai

Middle East War Cancels F1 Races and Disrupts Crypto Events in Dubai

TLDR TOKEN2049 Dubai has been postponed to April 2027 and TON Gateway Dubai canceled due to Middle East conflict F1 officially canceled the Bahrain (April 12) and
Share
Coincentral2026/03/15 15:44
Remittix Presale Edges Closer To Sell Out As Only $6 Million Remains

Remittix Presale Edges Closer To Sell Out As Only $6 Million Remains

Interest in the best crypto presale opportunities is rising as investors search for projects that combine strong demand with clear utility. Many early-stage launches
Share
Captainaltcoin2026/03/15 15:30